POLO ADVISORY
Paglilinaw Tungkol sa PLACEMENT FEE
Ang Placement Fee ay ang binabayad ng isang OFW sa kanyang PHILIPPINE RECRUITMENT AGENCY na hindi lalagpas ng katumbas ng isang buwanang sahod, maliban sa mga DOMESTIC WORKER na exempted sa pagbabayad ng Placement Fee.
Ang pagbabayad ng Placement fee ay maaaring gawin lamang pagkatapos pumirma ng kontrata at ma verify ng POLO sa Philippine Embassy. Nararapat na ito ay may kaukulang Official Receipt o Katibayan ng pagbabayad na nakasaad ang halaga ng binayaran.
Mga Bayaring Sagot ng Aplikante/Worker
- Passport
- Medical Exam
- NBI/Police Clearance
- TESDA/PRC License
- TOR/NSA Birth Certificate
Mga Bayaring Sagot ng EMPLOYER
- Visa/Work Permit
- POEA Processing Fees
- OWWA Membership
- Airfare papuntang job site
- Accommodation (can be in the form of Allowance)
Ano mang karagdagang Bayarin na hindi naaayon sa Regulasyon ng POEA ay may kaukulang kaparusahan ayon sa batas ng Pilipinas.
Ipag bigay alam agad sa POLO sa Embahada ang mga sumusunod upang agarang maaksyionan at walang ng MABIKTIMA pa ang mga MAPAGSAMANTALA:
- Pinagbayad ng sobra sa ipinahintulot na halaga
- Pagbabayad bago ang pag-pipirma ng kontrata
- Pagbabayad sa kanino man maliban sa licensed Philippine Recruitment agency
POLO-Rome
+39 327 381 8638
polo_rome@yahoo.it